Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alamin ang reaksiyon ni Joey Marquez sa namumuong Kris-Herbert romance


Matapos aminin ni Kris Aquino na may namamagitan sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, hindi naiwasan ng ilan na maalala si Joey Marquez na minsan na rin nakarelasyon ng kontrobersiyal na television host-actress. Basahin: Kris Aquino admits relationship with Quezon City Mayor Herbert Bautista May ilang pagkakatulad kasi sina Herbert at Joey -- kapwa sila komedyante at politiko. Sa ulat ni Jocelyn Dimaculangan na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Martes, sinabing nahingan ng reaksiyon si Joey tungkol sa namamagitan ngayon kina Kris at Herbert na binansagang "KrisTek," o pinagsamang Kris at Bistek, na tawag din sa alkalde ng Quezon City. Basahin: Herbert Bautista, namula at nagtago sa lamesa nang tuksuhin kay Kris Aquino Sa una ay paulit-ulit na "world peace" lang umano ang isinasagot ni Joey, na naging alkalde noon ng Paranaque. Pero nadagdag ito ng maigsing pahayag na, "Kung saan sila happy." Nang hingan naman siya ng komento sa mga nagsasabing parang may pattern sa mga naka-date ni Kris sa nakaraan, tugon ni Joey, "That's life." "Kung buong mundo pare-pareho ng ugali, it would be boring,"  dagdag niya.   Ayon sa PEP,  tumagal ng isa't kalahating taon ang relasyon nina Joey at Kris bago ang kanilang controversial na hiwalayan noong 2003. Maliban sa pagiging politiko at komedyante, naging basketball player din si Joey, tulad ni James Yap, na ex-husband ni Kris. -- FRJ, GMA News

Tags: krisaquino