Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga cobra sa palayan, haharapin ni Kara David sa 'I-Witness'



“KAMANDAG NG PALAYAN”

Dokumentaryo ni Kara David
June 17, 2013
 
Sa Gitnang Luzon na siyang pinakamalaking kapatagan at palayan sa Pilipinas, nakakubli ang isang tahimik ngunit kinakatakutang hayop. Peligro ang dulot ng isang kagat. Sa isang iglap, buhay ang katapat.
 
Ngunit hindi magpapatinag ang magsasakang si Mang Agapito, hindi niya tunay na pangalan. Tuloy ang buhay sa bukid: may panahon ng ani, may panahon ng pagtatanim. At sa oras ng pangangailangan. nakikipagbuno sila ng kanyang mga anak sa mga ulupong ng nagtataasang talahib, sa Philippine cobra na isa sa pinakamakamandag na ahas sa bansa.

Sino ang mananaig: ang lakas ng tao o ang lason ng cobra? Sino sa kanila ang magpapahuli?
 
Ngayong Lunes (June 17) sa I-Witness, samahan si Kara David at kilalanin ang “Kamandag ng Palayan”. Mapapanood ang dokumentaryong ito sa GMA7 pagkatapos ng SAKSI. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David, @karadavid at ang I-Witness, @IWitnessGMA.
 
 
English version
 
In Central Luzon, in the biggest plain and rice granary of the Philippines, many fear a silent creature. A bite spells peril. In a flash, life meets death.
 
But this creature is not a hindrance for the farmer Mang Agapito, not his real name. Life in the rice field must go on: there’s a season of harvest, there’s a season for planting. And in times of need, he and his sons are caught in a grapple with the snakes that lurk their fields…they struggle with one of the deadliest snakes in the country- the Philippine cobra.
 
Who wins this battle between human strength and animal venom? Who will become prey?
 
This Monday (June 17) in I-Witness, join Kara David and meet the “Menace of the Fields”. The documentary airs at GMA7 after SAKSI. For comments, tweet Kara David, @karadavid and I-Witness, @IWitnessGMA.
Tags: plug