Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Hello Kitty 'meowseum' ng DJ na si Nicole Hyala, ibibida sa 'Powerhouse'






POWERHOUSE
DJ NICOLE HYALA
Date of Airing: March 18, 2015
 
"Kapag pinanood mo ang Powerhouse, 'yung mga nafi-feature na pintuan doon puro mabibigat, 'yung sa akin...screen! Buti na lang bahay ni Hello Kitty 'yun, kung hindi... nganga!"
 
May mga taong kahit sa kanilang pagtanda, baliw na baliw pa rin sa Japanese character na si Hello Kitty, isa na rito ang DJ na si Nicole Hyala.
 
Nagtapos ng Cum Laude sa Assumption College sa kursong Business Management si Nicole. Wala raw kasi siyang kahit anong laruan na Hello Kitty noon kaya naman nang nakapagtrabaho sa radyo, sinimulan na niya ang kanyang koleksyon.
 
Tinawag niya ang kanyang bahay na Hello Kitty House. Nagmistulang "Meowseum" ito sa dami ng Hello Kitty na makikita rito. May microwave open, popcorn maker, at kung anu-ano pang tatak Hello Kitty. Pero ang pinakapaborito niya at ang pinakamahal ay ang kanyang Hello Kitty bedroom set na nagkakahalaga ng 70,000 pesos.
 
Sa sobrang pagmamahal niya kay Hello Kitty, maging ang kanyang kasal ay Hello Kitty rin ang tema at siyempre ang kanyang wedding gown, Hello Kitty rin! At ngayon, maging ang kanyang asawa at anak, Hello Kitty lovers na rin. At para sa kanilang 5th wedding anniversary,  may sorpresa ang mag-ama kay Nicole na pandagdag sa kanyang koleksyon.
 
Samahan si Kara David na mamangha sa makulay na bahay at personalidad ng DJ na si NicoleHyala ngayong Miyerkules sa isang nakaaaliw at nakababaliw na episode ng Powerhouse, 4:35 ng hapon sa GMA 7.