Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng hit-and-run sa 'Rescue'


RESCUE Hit and Run Airing Date: September 13, 2012 Isang lalaking nabangga ng jeep ang sugatan at walang malay sa may C5 service road cor 19th avenue sa Makati.  Ito ang tawag na natanggap ng Makati Rescue na agad nilang nirespondehan.   Inabutan nila ang biktima sa nakahandusay sa may gilid ng jeep at may tinamong malaking sugat sa ulo.  Ngunit hindi pala isang ordinaryong aksidente ang nangyari kundi isa palang kaso ng hit and run! Ang driver ng jeep nawalang parang bula , tumakbo at hindi na matagpuan!   Maisalba pa kaya ang buhay ng biktima?   Tunghayan din ang iba pang kaso ng Hit and Run na huli sa CCTV! Bakit nga ba patuloy ang ganitong mga insidente at paano makaiiwas sa peligro ang mga tumatawid sa daan?   Huwag palalampasin ang “Hit and Run” sa RESCUE kasama si Igan, Arnold Clavio. Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi! Sundan ang Rescue sa Facebook at sa Twitter!