Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard on breakup with Jewel Mische: 'You can’t just move on overnight'


Richard and Jewel
Hindi man direktang umamin noon sa kanilang relasyon, kinumpirma na ni Richard Gutierrez na hiwalay na sila nang napabalitang kasintahan na si Jewel Mische. Pero nang tanungin kung nakapag-move on na si Richard sa breakup nila ni Jewel – lalo na’t nali-link siya ngayon sa Survivor Philippines castaway na si Solenn Heussaff, inamin ng host-actor na hindi madali ang pinagdadaanan nila ngayon ng dating nobya. “It’s only been like two weeks so I can’t say that I’ve fully move on, I mean it’s a process. You can’t just move on overnight, you have to take it slowly," pahayag ni Richard kay Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
Richard and Solenn
Sinabi pa ng host ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown na maayos ang naging paghihiwalay nila ni Jewel. Nananatili rin umano sila magkaibigan at bukas ang kanilang komunikasyon. Patuloy pa ni Richard, nakatulong ang isang buwan na pananatili niya sa isla para sa Survivor Philippines upang magkaroon sila ng space ni Jewel at kapwa sila makapag-isip. Kasabay nito, itinanggi ni Richard na may romantikong-ugnayan na namamagitan sa kanila ni Solenn. Aniya, kaibigan si Solenn ng kanyang kakambal na si Raymond. Bagaman madalas umano silang magkasama ni Solenn, nagbibigay lang umano sila ng suporta sa isa't isa bilang magkaibigan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kamakailan ay sinabi ng ina ni Richard na si Annabelle Rama, na walang problema kung ma-link ang anak at makipag-date basta huwag lang muna itong papasok sa seryosong relasyon. At nang tanungin kung boto siya kay Solenn, sagot ni Annabelle: “Okey lang si Solenn mabait siya, saka ang importante sa’ken babae na marunong rumespeto sa parents." - Fidel R Jimenez, GMANews.TV