Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sid Lucero, barkada ang turing kay Heart Evangelista


Pinabulaanan ni Sid Lucero ang mga balitang exclusively dating sila ng kanyang Legacy co-star na si Heart Evangelista. "Kabarkada. We went out together, the whole cast. Yeah, that was once, at hindi na naulit," pahayag ni Sid sa ulat ni Audrey Carampel sa GMA News TV’s Showbiz Exclusive. Ayon pa sa aktor, madalas naman daw nangyayari na romantikong iniuugnay ang mga magkatrabaho sa isang show. "Every show naman, nili-link ng mga tao ang mga artista, eh," dagdag niya. Kung minsan pa raw ay nagugulat na lang si Sid sa mga reaksyon ng mga tao tungkol sa pagli-link sa kanila ni Heart. "Nagugulat nalang ako, yung iba naniniwala, yung iba nagagalit. I'm like, easy lang, nagta-trabaho lang kami," saad ni Sid. Kasama nina Sid at Heart sa GMA prime time show na Legacy sina Alessandra De Rossi, Lovi Poe, Mike Tan, at Geoff Eigenmann. Nakatakdabg magwakas ang Legacy ngayong Biyernes, June 1, 2012. -- Mac Macapendeg/ FRJ, GMA News