Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso shows, personalities recognized at 2nd Inding-Indie Short Film Festival Awards


Pinarangalan sa 2nd Inding-Indie Short Film Festival awards night nitong Linggo ang ilang personalidad at programa mula sa GMA Network para sa kanilang natatanging ambag sa industriya ng media at entertainment.
 
Layon ng naturang film festival na suportahan ang independent filmmakers at independent artists na nagtataglay ng natatanging talento sa sining at nagnanais magparating ng malalim na mensahe at adbokasiya tungkol sa iba't ibang usapin sa bansa.
 
Kabilang sa mga pinarangalan si Master Showman German Moreno bilang Best TV Personality at ang TV host and performer na si John Nite bilang Mass Media Personality of the Year.
 
Natanggap naman ni Alessandra de Rossi ang Pinakamahusay na Aktres ng Dekada, habang itinanghal bilang Most Outstanding TV Personality and Promising Actor ang "Destiny Rose" star na si Ken Chan.
 
Asian Celebrity Icons of the Year naman ang "Buena Familia" star na si Jake Vargas at "Healing Hearts" leading man Kristoffer Martin.
 
 
 
 
 
 
 
Pinarangalan rin ang ilan sa mga programa ng Kapuso Network, kabilang na ang 24 Oras bilang Best News Program at State of the Nation with Jessica Soho bilang Most Outstanding TV News Program of the Year.
 
Best Public Service TV Program naman ang Wish Ko Lang, at Best TV Show ang longest-running noontime show na Eat Bulaga.
 
 
 
 
 
 
 
—KG, GMA News