'God Gave Me You' singer Bryan White, sumusulat ng bagong kanta para sa 'AlDub'
Matapos siyang bumisita sa bansa noong nakaraang taon, muling naghahanda ng sorpresa para sa kaniyang Pinoy fans ang American country music artist na si Bryan White.
Pinasikat ni Bryan ang kantang "God Gave Me You," na isa sa theme songs ng phenomenal Kalyeserye loveteam sa"Eat Bulaga!" na sina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen Maine Mendoza.
Ayon sa singer-songwriter, kasalukuyan siyang sumusulat ng panibagong kanta para sa AlDub.
Aniya sa isang tweet nitong Huwebes, "I'm still working on the new song for #Aldub I think you'll like it! #ALDUB30thWeeksary #VoteMaineFPP #KCA"
I'm still working on the new song for #Aldub I think you'll like it! ????????#ALDUB30thWeeksary #VoteMaineFPP #KCA
— bryan_white (@bryan_white) February 11, 2016
Kabilang ang kantang "God Gave Me You" sa mga inawit ni Alden para sa kaniyang triple platinum album na "Wish I May." -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News