Denise Laurel at Barangay Ginebra player Sol Mercado, magkaibigan na lang
Sa pamamagitan ng Instagram post, inihayag ng aktres na si Denise Laurel na magkaibigan na lang sila ng kaniyang fiancé na si Barangay Ginebra player Sol Mercado.
Sa naturang post, humingi ng panalangin at suporta si Denise.
Nilinaw din ng aktres na walang kasalanan si Sol sa kanilang hiwalayan.
“I just want to ask all of you for prayers right now and support… From now on Sol and I are just friends. I am very happy for him and I have learned so much from him! But please don’t tag me first on anything that has to do with him. We both tried our best,” ani Denise.
Hindi na makikita ang naturang post pero sa isa pang post ng aktres, humingi siya ng paumanhin kay Sol at sa pamilya nito.
"I just want to sincerely apologize for not thinking clearly.. my intentions wer not in a rotten place.. I just didn't think," ayon sa aktres.
A photo posted by DeniSe Maria Sanz Laurel (@d_laurel) on
Noong nakaraang linggo, nag-post pa ng larawan si Denise habang nanood ng laban ng Ginebra habang suot ng uniporme ng team na nagkampeon nitong Miyerkules laban sa Meralco.
A photo posted by DeniSe Maria Sanz Laurel (@d_laurel) on
October 2013 nang ipaalam sa publiko na engaged na sina Denise at Sol. Pero nitong nakaraang Mayo, ipinaliwanag ni Denise na hindi muna matutuloy ang kanilang planong pagpapakasal dahil kailangan pa umano nilang maghanda at mag-ipon. -- FRJ, GMA News