Filtered By: Showbiz
Showbiz

Balikan ang love story nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla


Matapos ang pag-amin nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla nitong Huwebes na engaged na sila at nagdadalang-tao na ang dalaga, balikan ang kuwento ng kanilang pag-iibigan.

READ: Aljur and Kylie confirm pregnancy

Hunyo 2011 nang unang aminin ni Aljur na exclusively dating sila ni Kylie.

Nang sandaling iyon, sinabi ng aktor na nagiging inspirasyon niya ang dalagang anak ng action star na si Robin Padilla.

READ: Aljur admits exclusively dating Kylie Padilla

Bagaman mayroon nang mga bali-balita na sinagot na ni Kylie si Aljur, naiulat lang ang kompirmasyon noong Pebrero 2013, sa isang panayam sa aktres.

Ayon kay Kylie nang tanungin kung bakit nang panahon lang na iyon sila umamin, saad niya, "Naramdaman namin na it’s time to be open na.'

READ: Kylie on admitting relationship with Aljur

Isang taon matapos ang naturang pag-amin, lumabas naman ang mga bali-balitang nagkakaroon ng problema sa relasyon ng dalawa.

Ilang kapwa artista rin ang nadawit sa naturang hidwaan ng magkasintahan hanggang sa aminin na ni Kylie  noong Mayo 2014 na hiwalay na sila ni Aljur.

READ: Kylie Padilla admits breakup with Aljur Abrenica

Matapos ang hiwalayan, nagpatuloy ang buhay para kina Kylie at Aljur.

Katunayan, na-link pa si Kylie sa chief na si Matt Henares, anak ng aktor na si Ronnie Henares, at pinsan ni Rhian Ramos.

READ: Is this Kylie Padilla's new boyfriend?

Pero ilang buwan lang ang itinagal ng naturang relasyon ni Kylie kay Matt dahil inamin ng aktres noong June 2015 ang kanilang hiwalayan.

READ: Kylie Padilla admits breakup with Matt Henares

At noong nagdaang Nobyembre, napabalita na ang pagbabalikan ni Aljur at Kylie, dalawang taon matapos silang maghiwalay.

LOOK:  Aljur posts photo with ex-GF Kylie Padilla in Japan

Nangyari ang pag-amin na nagkabalikan na ang dalawa matapos ang sunod-sunod na posts nila ng larawan na magkasama habang namamasyal sa ibang bansa.

READ: Aljur and Kylie back in each other's arms

Nitong nakaraang Martes, ibinalita naman ng humahawak sa career ni Kylie na engaged na ang aktres kay Aljur, na sinundan naman ng pag-amin ng dalawa nitong Huwebes na nagdadalang-tao na ang Kapuso star. -- FRJ, GMA News