Filtered By: Showbiz
Showbiz

AiAi delas Alas at Gerald Sibayan, engaged na


Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account, ibinalita ng Kapuso star na si AiAi delas Alas na tinanggap niya ang alok na kasal ng kaniyang nobyong si Gerald Sibayan.

Sa kaniyang video post, ipinakita ng aktres ang mga larawan tungkol sa ginawang proposal ng nobyo.

"Some knots are meant to be tied forever. Our journey is not perfect but its ours and ill stick with you till the end . I will pray to our great GOD that our journey wil be smooth and sweet towards eternity," saad ni AiAi sa caption ng post.

Sa mga inilagay niyang hashtag sa post (@gerald_sibayan #huntover2018 #thisisit2018 #misissa2018 #maynanalonatalaga2018 #4-12-17 #lovewins @sanchovito @sophdelasalas #shaunnicolo @_sethandrei), may indikasyon na sa magpapakasal na sila sa susunod na taon.

Ginawa ni Gerald ang proposal sa selebrasyon ng kaniyang ikatlong anniversary bilang magkasintahan.

Ipinakita ng dalawa sa kanilang mga kritiko na hindi hadlang ang malaking agwat ng kanilang edad para ipadama ang kanilang pagmamahalan sa isa't isa.

READ: AiAi Delas Alas on relationship with Gerald Sibayan: ‘Kapayapaan, finally’

Si AiAi ay 52-anyos na, habang 23-anyos naman si Gerald.

 

-- FRJ, GMA News