ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Gaya Boys,' magiging karibal ng 'Meant To Be' boys


Apat na bagong male Kapuso hotties ang magdadagdag ng kilig at saya sa kinaaliwang primetime series sa GMA na "Meant To Be."

Sa Starbites report ni Lhar Santiago sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Martes, sinabing puspusan na ang workshop nina Dave Bornea, Carl Cervantes, Vince Vandorpe at Matthias Rhodes para sa pagpasok nila sa "Meant To Be,"  bilang 'Gaya Boys."

Sila ang magiging katapat ng "Jeya Boys," o ng apat na "Meant To Be" leading men na sina Ivan Dorschner, Jak Roberto, Addy Raj at Ken Chan.

Sina Dave at Carl ay produkto ng "Starstruck 6," samantalang mga modelo naman sina Vince at Matthias.

"Exciting po kasi it's a great opportunity po na makapasok kami sa teleserye, and nakaka-excite lalo na makatrabaho 'yung apat na guys and si Barbie [Forteza]," ayon kay Dave.

Saad naman ni Carl, "Sobrang excited ako and for us, actually, it's just enjoying, nag-e-enjoy lang po kami. Sana mag-enjoy din yung audience sa mga gagawin naming kung ano-ano."

Nagpapasalamat naman si Vince sa kaniyang unang proyekto.

Sinabi naman ni Matthias, na handa na silang sumabak sa "Meant To Be" dahil labis silang nag-enjoy sa kaniyang workshops.

Kung ano ang magiging karakter ng "Gaya Boys" sa "Meant To Be" ay dapat na abangan.

Pero dapat bana gkabahan ang "Jeya Boys" sa pagdating "Gaya Boys?"

"Ay naku, kabahan na sila, joke!," natatawang biro ni Carl. -- FRJ, GMA News