Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maine Mendoza, binibisita minsan ang account ng 'bashers': 'To see the nasty things they say about me'


Inamin ng "Destined To Be Yours" star na si Maine Mendoza na nasanay na siya sa mga basher. Katunayan, minsan ay tinitingnan pa raw niya ang account ng mga ito para malaman kung ano ang mga pinagsasabi tungkol sa kaniya.

“Personally, I’m used to negative stuff because I’m a pessimist. Sanay ako sa mga ganyan.

“Sometimes I take the time to visit their accounts to see the nasty things they say about me,” saad ng "Eat Bulaga" dabarkads sa ulat ni Rachelle Siazon, na lumabas sa PEP.ph nitong Martes.

“Alam mo, minsan, yun ang nila-lunch ko: the bashers and the haters,” natatawang pahayag pa ng "Phenomenal Star" sa Cosmopolitan Magazine bilang cover story sa kanilang May issue.

Ayon kay Maine, ang pagsabak niya sa primetime soap na "Destined To Be Yours," na pinagbibidahan nila ni Alden Richards, ang itinuturing niyang biggest challenge sa kaniyang showbiz career.

Unang nakilala si Maine bilang "Yaya Dub" sa kalyeserye ng "Eat Bulaga" noong 2015.

“Dito sinubok lahat sa akin, eh," aniya. "Una pa lang, gigising ka ng alas-kwatro ng umaga. That was a big adjustment for me because I’m a night person."

Para kay Maine, "ultimate baptism of fire as an actress” ang pagsabak niya sa soap na nakatulong para mapahusay ang kaniyang acting skills.

Alamin ang buong panayam kay  Maine ng Cosmopolitan Magazine sa kanilang May 2017 issue.-- FRJ, GMA News