Ang Pinay model na lumaki sa Canada na si Peru Morena ang nagwagi sa GMA News TV's reality-based model search na "The Fiercest of Them All." Hindi naman niya napigilan umiyak nang ialay ang kaniyang panalo sa kaniyang kapatid na hindi niya napuntahan bago pumanaw.

Sa panayam kay Peru na bunso sa 10 magkakapatid, ikinuwento nito na nalaman niya ang maselang kondisyon ng isa niyang ate na nasa Canada habang ginagawa niya ang "The Fiercest of Them All."

Hindi man siya nakauwi sa Canada nang pumanaw na ang kapatid noong nakaraang Enero, naniniwala si Peru na nauunawaan siya ng kaniyang ate, at masaya ito sa kaniyang naging tagumpay.

"I dedicate this to her alam ko naman na she's gonna be so proud of me, maintindihan niya na kaya hindi ako nakabalik ng Canada because kailangan kong tapusin yung ginagawa ko rito," pahayag ni Peru.

Idinagdag niya na isa sa mga dahilan kaya siya bumalik ng bansa ay para sundan ang kaniyang parangap sa pagmomodelo at showbiz.

Samantala, sinabi rin ni Peru na marami siyang aral na natutunan sa pagsali sa programa lalo na ang pakikipagkaibigan at patuloy na abutin ang mga pangarap kahit anumang kabiguan ang kaharapin.

"Ang mahalaga is to get strong just handle it in a positive way," aniya.

Dahil din umano sa programa, marami na siyang nakilalang mga tao, naging kaibigan, at maraming ng pinto ng oportunidad ang nagbukas.

Hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang mga taong sumusuporta sa kaniya.

Panoorin ang buong panayam kay Peru:


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News