ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian, nais maging halimbawa sa mga ina sa pag-aalaga sa sarili


Unti-unti na ngang nagbabalik ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at nito lamang Huwebes, may bagong endorsement na naman ang aktres.

Saad ng isa sa mga executives, napili nila si Marian dahil sa "mala-Diyosang" ganda nito. Si Marian ang magiging bagong mukha ng Snow Crystal White Tomato, isang supplement na nagsisilbing sunscreen at nagpapaganda ng balat.

Ikinatuwa naman ni Marian ang oportunidad na maging role model para sa mga nanay at sa mga takot maging nanay.

Aniya, "Gusto ko maging ehemplo sa mga takot maging isang nanay, takot manganak."

Para kay Marian, mahalagang magbigay ng panahon para sa sarili at hindi hadlang ang pagkakaroon ng anak upang mawala ito. Dagdag niya, "Hindi po totoo 'yon."

Hindi daw dapat nakakalimot sa self-care dahil dito rin nagmumula ang confidence para magmahal.

"Paano ka magmamahal ng 100 percent kung ang sarili mo hindi mo kayang alagaan?" ani Marian.

Pagmamahal daw sa sarili ang isa sa mga sikreto ng kaniyang natatanging ganda.

Muli namang babalik sa GMA Prime si Marian sa programang "The Good Teacher." —JST/KVD, GMA News

Tags: marianrivera