Anne Curtis, na-ospital matapos maatake ng box jellyfish sa Batangas
Dinala sa ospital ang aktres na si Anne Curtis matapos na masalabay o ma-sting ng box jellyfish sa tagiliran ng kaniyang katawan sa isang beach sa Batangas.
Ipinaalam ni Anne ang nagyaring insidente na naganap sa taping ng kaniyang serye sa pamamagitan ng mga post niya sa kaniyang Twitter account nitong Huwebes.
Nagbigay din siya ng paalala sa publiko na mag-ingat kapag naliligo sa dagat lalo na ngayong summer.
@annecurtissmith: Been reading up on the box jellyfish and I'm lucky it wasn't fatal. This summer be careful when swimming in the ocean keep and eye out.
@annecurtissmith: Currently in St. Luke's so they can monitor my jellyfish sting/rash & most importantly the rhythm of my heart.
@annecurtissmith: Morning everyone. Just read all your 'Get well soon' messages. Last night was my first time to be stung by a jellyfish, a box jellyfish
Nitong nakaraang Enero, nabiktima din ng dikya si Jennylyn Mercado sa Subic, Zambales sa taping ng kaniyang programang "Rhodora X." -- FRJ, GMA News