Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vic Sotto's children express love and support for him and his wife Pauleen


Kumpleto ang mga anak ni Bossing Vic Sotto sa naganap na kasal nila ni Kapuso host-actress Pauleen Luna noong Sabado, January 30 sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa.

Nagsilbing Best Man ang kaniyang anak na si Vico Sotto, habang ginampanan naman ni Paulina Sotto ang papel ng candle sponsor. Veil sponsors naman si Danica Sotto at ang asawa nitong si Marc Pingris, at cord sponsors sina Oyo Boy Sotto at ang asawa nitong si Kristine Hermosa.

Buong-buo ang suporta ng pamilya ni Bossing sa kaniya, at ibinahagi pa nila ang kanilang mga mensahe para sa kanilang ama sa social media

Ayon kay Danica, ang panganay na anak ng batikang host-actor, “They can say what they want to say about my family but I will keep on loving them and will forever be grateful that I have them in my life.”

Nagpasalamat rin ito sa mga kaibigan ng kaniyang ama at ni Pauleen na nagmahal at sumuporta rin sa mag-asawa.

“@rodriguezruby thank you for the friendship and lov(e) you've given to dad and also to @pauleenluna God bless you and Tito @markino1029,” aniya sa isang tweet kasama ang Matron of Honor at Kapuso host-actress na si Ruby Rodriguez at iba pang mga kaibigan.

 

 

Nangako naman si Vico na patuloy niyang mamahalin at irerespeto ang kaniyang ama anoman ang mangyari.

Sa isang Instagram post, sinabi nito, “I love and honor my father so I will support him as he enters this new chapter in his life.”

“I'm behind you all the way, Papa!” dagdag pa nito.

 

 

I'm behind you all the way, Papa! #family #love #support #prayers (photo from @jasonmagbanua's video)

A photo posted by Vico Sotto (@vicosotto) on

 

Nagpahayag rin ng kanilang pagmamahal at suporta sina Oyo Boy at ang asawa nitong si Kristine Hermosa, ang asawa ni Danica na si Marc Pingris, pati na ang bunsong anak ni Vic na si Paulina. Ayon kay Kristine, “Congrats Dad & Pauleen!! Enjoy your lifetime together. #vp #welcometothefamily @pauleenluna”

 

 

Congrats Dad & Pauleen!! Enjoy your lifetime together. ???????? #vp #welcometothefamily @pauleenluna

A photo posted by Kristine HermosaSotto (@khsotto) on

 

 

Mr.&Mrs.Sotto

A photo posted by Oyo Sotto (@osotto) on

 

 

We love you, Papa!??

A photo posted by Paulina Sotto (@paulinavls) on

 

 

Congrats daddy!!! #family ????????

A photo posted by Marc Pingris (@jeanmarc15) on

 

Labis ang pasasalamat ni Bossing sa pag-unawa, respeto, at pagmamahal na ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga anak.

“In this instance, naramdaman ko kung gaano niyo ako nirerespeto. 'Yung pagmamahal niyo sa akin, ramdam na ramdam ko talaga,” aniya sa kaniyang speech sa wedding reception na naganap sa The Filinvest Tent sa Alabang.

Matapos ang kanilang kasal, nakatakdang mag-honeymoon ang bagong kasal sa Maldives. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News