Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards speaks up about receiving death threats


Kamakailan lamang, nag-post ang ama ng Pambansang Bae at Kapuso host-actor na si Alden Richards tungkol sa mga natatanggap nilang pagbabanta sa buhay ng kaniyang pamilya.

Ngunit ayon sa "Eat Bulaga!" host at phenomenal star, hindi na raw bago para sa kaniya ang mga pagbabantang ito.

"Since the beginning, before the latest issue, I have had issues of life-threatening situations. I asked the help of GMA Artist Center and NBI to do something about it. We have been taking action with regards to that," aniya.

Nagpapasalamat raw si Alden na walang nangyayaring masama sa kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay sa loob ng limang taon niya sa showbiz.

Aminado man siyang isang malaking hamon ang pagiging public figure, ipinagdarasal na lamang raw ng Kapuso host-actor ang mga taong nagbabanta sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Pahayag niya, "Ang akin lang, if you're threatening someone, there's a probability na hindi mo gagawin. 'Yung mga may balak talaga, hindi naman nagsasabi 'yan. Ginagawa na lang nila."

"There are a lot of people like that, especially on social media. Napakadaling gumawa ng statements and threats. But so far, we have been very careful and we're taking extra caution. Sa tingin ko, 'yung mga nagte-threat are just people na wala lang magawa," dagdag pa ni Alden.

Maliban sa tuloy-tuloy niyang pagbida sa variety shows na "Eat Bulaga!" at "Sunday Pinasaya," mapapanood rin ngayon si Alden sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na "Encantadia," kung saan gumaganap siya bilang ang Mulawin na si Lakan.

Pinaghahandaan na rin niya ang mga proyektong pagbibidahan niya kasama ang ka-loveteam at Kalyeserye Sweetheart na si Maine Mendoza.

Aniya, "I'm very excited. After 'Imagine You & Me,' we will have a project together. Marami na namang ilu-look forward 'yung mga sumusuporta sa amin. We will not let them down." — RSJ, GMA News