Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards on real status with Maine Mendoza: ‘Kami na talaga...’


“Actually, kami na talaga...” ang mabilis na sagot ni Alden Richards nang tanungin siya tungkol sa real status nila ni Maine Mendoza sa “Star Buzz” portion ng Kapuso comedy variety show na “Sunday Pinasaya.”

Marami ang kinilig sa sinabing ito ng Pambansang Bae, ngunit dugtong niya, “Kami na talaga ang bibida sa 'Destined To Be Yours.'”

Higit sa isang araw na lamang ang hihintayin ng mga tagahanga ng phenomenal loveteam bago nila mapanood ang pilot episode ng “Destined To Be Yours,” ang kauna-unahang teleserye na pagbibidahan nina Alden at Maine.

Bago sila magpakilig sa mga eksena ng nasabing Primetime series, muling nilinaw ni Alden na “what you see is what you get” pagdating sa tunay na relasyon nila ni Maine sa likod ng camera.

Aniya, “Alam naman ng lahat ng tao sa buong mundo na nakakakita sa aming dalawa ni Maine na kung ano kami, masaya kami—masaya kami sa kung anong mayroon kami.”

“Kung anoman ang nakikita niyo, 'yun ang real thing,” dagdag pa ng Kapuso host-actor.

Mensahe ni Alden kay Maine ngayong nalalapit na ang pagsisimula ng kanilang teleserye, “Thankful ako na nabigyan tayo ng opportunity na makagawa ng soap para, at least, may maihandog tayong bago sa lahat ng mga sumusuporta sa atin, sa lahat ng magmamahal sa atin.”

“Excited na akong mapanood nila dahil alam ko 'yung effort nating dalawa, lalo na si Maine. 'Yung effort na ginawa mo para makapag-adjust sa show. Hindi madali kasi first time mo, pero ginawa mo pa rin,” dagdag pa niya.

Sagot naman ng dalaga, “Nagpapasalamat ako kasi sa 'yo kasi isa ka sa mga tumutulong sa akin. Ang dami kong kailangang gawin adjustments, pero napapadali sa akin ang work dahil masaya kayong kasama.”

READ: Alden promises: 'Destined to Be Yours' will have Kalyeserye flavor

Kasamang bibida nina Maine at Alden sa "Destined To Be Yours" sina Juancho Trivino, Koreen Medina, Lotlot de Leon, Boots Anson-Roa, Gardo Versoza, Janice de Belen, Sheena Halili, RJ Padilla, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Ina Feleo, at Dominic Roco.

Mapapanood na ang kauna-unahang teleserye ng phenomenal Kapuso loveteam simula sa darating na Lunes, February 27, pagkatapos ng “Encantadia.” —LBG, GMA News