Filtered By: Showbiz
Showbiz

Baby Zia set to meet her grandfather in Spain very soon!


Matapos magbakasyon sa iba't ibang bansa tulad ng Japan, America, at Indonesia, nakatakda namang lumipad papuntang Spain si Baby Zia, ang panganay na anak at unica hija ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ayon kay Dingdong, ito ang unang beses na makakarating ng Madrid, Spain ang kanilang anak upang makita ang kaniyang Lolo Francisco Javier, ang ama ni Marian.

Nagpapasalamat ang mag-asawa dahil nakahanap rin sila ng panahong makapag-bakasyon sa gitna ng kanilang busy showbiz schedule.

“Naghintay lang kami ng tamang timing, at ito na nga 'yun... We'll focus our time sa bonding nila, at siyempre, sa bonding ko rin with my father-in-law,” kuwento niya sa panayam ng “24 Oras” nitong nakaraang linggo.

Limang araw mananatili sina Marian, Dingdong, at Baby Zia sa Spain upang makasama ang pamilya ng Kapuso Primetime Queen.

 

Bukod sa pagbabalik niya sa “Encantadia,” nakatakda ring bumida si Marian sa upcoming Kapuso Primetime series na “The Good Teacher” kasama sina Kim Domingo, Helen Gamboa, Al Tantay, Jerald Napoles, Julius Erasga, Jilian Ward, Kristoffer Martin, Ashley Ortega, Vincent Magbanua, at Enrico Cuenca.

Magbabalik rin sa pagho-host ang Kapuso Primetime Queen sa “Tadhana,” ang bagong OFW-themed weekly anthology ng GMA na nakatakdang ipalabas ngayong taon. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News