Filtered By: Showbiz
Showbiz

AiAi Delas Alas set to marry boyfriend in November


Matapos ang kanilang engagement nitong nakaraang buwan, nakatakda nang ikasal ang Comedy Concert Queen na si AiAi Delas Alas at ang kaniyang kasintahan na si Gerald Sibayan sa darating na Nobyembre.

Ibinahagi ng award-winning actress ang masayang balita sa Facebook Live Q&A session ng GMA Network nitong Lunes, kung saan sinagot niya ang ilang tanong mula sa kaniyang mga tagahanga.

Mabilis na sagot ng aktres sa netizen na nagtanong kung kailan siya ikakasal, “Sa November, sa America.”

Pagbabahagi pa ni AiAi, balak rin daw nilang magkaroon ng hiwalay na wedding ceremony sa Pilipinas sa susunod na taon.

 

Thank you gma ????

A post shared by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

 

Sa nasabing Facebook Live video, ibinahagi rin ng Comedy Concert Queen kung paano nagsimula ang love story nila ni Gerald.

"Nagkakilala kami sa badminton. Parang pina-date siya sa akin nung may-ari ng badminton court kasi mag-kaklase sila sa La Salle," kuwento ng Kapuso star.

Pagpapatuloy niya, "Sabi sa akin, 'Miss Ai, hindi ka iiyak dito. Kapag pinaiyak ka nitong lalaking ito, puntahan mo ako, awayin mo ako, bugbugin mo ako,' At tama naman siya. Hanggang ngayon, hindi pa niya ako pinapaiyak."

Maliban sa kaniyang pagbida sa iba't ibang TV shows, mapapanood rin si AiAi sa upcoming comedy film na “Our Mighty Yaya” kasama sina Megan Young, Zoren Legaspi, Lucas Magallano, Alyson McBride, Sofia Andres, at marami pang iba.

Mapapanood na ang Mother's Day offering ng Regal Films sa mga sinehan sa darating na May 10.

READ: How AiAi knew that boyfriend Gerald Sibayan is The One

— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News