Filtered By: Showbiz
Showbiz

Camille Prats, handa na raw ulit sumabak sa drama


Ngayong papasok na 2018, inihayag ni Kapuso actress at "Mars" host Camille Prats na sakali mang alukin siyang mag-drama, handa raw siya ulit na umoo dito.

Ito ang inihayag ni Camille sa "On the Spot" segment ng programang "Mars" nitong Biyernes, at hiniling din niyang sana maging handa ang kaniyang pamilya sa oras na maging abala siya sa trabaho.

"Well two years na kasi akong hindi pa nag-soap ulit. So if I am offered to do another one, next year, siguro mas ready na ako, basta maihanda ko lang 'yung aming pamilya sa ka-busy-han ng work. 'Yun siguro. I won't say 'no' na," sabi ni Camille.

Hindi muna napapanood si Camille sa mga teleserye dahil na rin sa kaniyang pagbubuntis noon kay Nala Camilla. Isinilang ni Camille ang kaniyang anak kay VJ Yambao noong Setyembre 22.

Para naman kay Pars Rob Moya, gusto na raw niyang iwasan sa taong 2018 ang kaniyang "bad habit" na pagiging selfish.

Ikinuwento ni Rob ang isang pangyayari kung saan may nag-cut daw sa kaniya na sasakyan, kaya hindi niya naiwasang magsalita ng hindi maganda.

"I always think about myself. So 'yun 'yung gusto kong baguhin sa sarili ko," sabi ni Rob.

Gusto naman daw alisin ni Mars Genzel ang kaniyang pagiging mahiyain.

"Sa pagiging mahiyain ko, ganyan, kaya mo pang i-push, so kung gusto mo talagang gawin ang isang bagay, kailangan one step ahead ka or kailangan palagi mong ginagalingan or hindi ka mahi-hinder ng shyness mo. So ayun, para hindi na ako masaway na 'Kaya mo pa eh.'" —LBG, GMA News

 

Tags: camilleprats