ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Enzo Pineda's dad confirms third party in Enzo-Louise delos Reyes breakup




Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ng Kapuso young actor na si Enzo Pineda sa lumabas na report sa tabloid na Bulgar noong April 11, na siya raw ang dahilan kung bakit sila nag-break ni Louise delos Reyes.

Ayon sa report, ang ina mismo ni Louise na si Elvira Peredo ang nagsabi na may third party sa perte ni Enzo kaya nakipaghiwalay rito ang kanyang anak.

Noong una naming subukan na kontakin si Enzo, kasalukuyan itong nasa Las Vegas, Nevada, para manood ng laban ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley.

Ayon sa nakausap ng PEP, hindi aware si Enzo tungkol sa naging pahayag ni Mrs. Peredo sa Bulgar.

Lumabas kasi ito pagkatapos niyang magpa-interview sa Startalk noong April 7 at kinumpirma niyang hiwalay na sila ni Louise.

Umere ito noong April 13.

Sabi pa ng nakausap namin, magbibigay na lang daw ng statement si Enzo tungkol sa sinabi ni Mrs. Peredo kapag nakauwi na ito mula sa U.S.

THIRD PARTY. Nitong Lunes, April 21, ay nakausap ng PEP sa pamamagitan ng telepono ang ama ni Enzo na si Eric Pineda, na siya ring tumatayong co-manager nito katuwang ang GMA Artist Center.

Si Eric din ang business manager ni Pacquiao.

Si Mr. Pineda na raw ang sasagot para kay Enzo, hindi lang bilang isang manager kundi bilang isang magulang na gustong protektahan ang kanyang anak.

Sinagot agad ni Mr. Pineda ang tanong namin tungkol sa naging pahayag ni Mrs. Peredo na si Enzo raw ang may third party kaya sila naghiwalay ni Louise.

Sabi ng ama ni Enzo, “As to the article written in Bulgar regarding my son, yes, it's true na may third party.
 
“Pero hindi si Enzo ang may third party.

“The truth is itinuring pa naman ni Enzo na kaibigan yung tinutukoy na third party.

“Kaya sana, tigilan na nila ang pagsisinungaling.

“Huwag nilang ilagay si Enzo sa alanganin.

“Kung hindi, mapipilitan akong ilabas ang mga ebidensiya na magpapatunay kung sino talaga ang may third party at kung sino ang third party.

"Mapapahiya lang sila. 

“Hindi na kasi tama ang ginagawa nila.”

Tungkol naman sa naging interview ni Enzo sa Startalk, doon lang daw nagsalita ang kanyang anak para kahit paano ay malaman ng mga sumusuporta rito na okey ito pagkatapos ng biglaang breakup nila ni Louise.

Nakatulong din daw ang naging bakasyon nito sa U.S. kamakailan.

Pahayag pa ni Mr. Pineda, “Enzo chose to be silent about the details of their breakup.

“He’s concentrating now on his work na importante para sa kanya. He's moving on.

“We're proud na napalaki namin is Enzo nang maayos at laging igalang and irespeto ang mga babae.”

Inamin din ni Mr. Pineda na nabigla silang lahat sa pakikipag-break ni Louise kay Enzo dahil pamilya na ang turing nila sa dalaga.

“Unexpected ang breakup nila dahil a few days before it happened ay kasama pa namin silang dalawa for dinner [in a restaurant] and masaya sila together.

“We treated her like family. Parang anak na namin siya at lagi siyang nasa bahay namin at kasama siya sa aming mga family gatherings.

“In fact, last Christmas, sa bahay nag-Noche Buena si Louise at ang mother niya. That’s how close she is sa pamilya namin.

“Kaya nalungkot ako, lalo na ang mom at lola ni Enzo sa mabilis na pangyayari.”

Pagkatapos sagutin ni Mr. Pineda ang mga tanong namin ay nagpaalam na ito dahil mayroon pa raw siyang pupuntahang meeting.

Sana raw ay nasagot niya nng maayos ang lahat. -- Ruel J. Mendoza, PEP
Tags: enzopineda