Maiikli ang sagot ni Paolo Contis sa mga tanong ukol sa paksa ng pagpapakasal nila ng girlfriend at fellow Kapuso artist na si LJ Reyes. Pero aminado ang aktor na naging daan si LJ upang manumbalik ang tatag ng kaniyang pananampalataya.

“Balang-araw,” ang mabilis na sagot ni Paolo sa tanong kung kailan sila magpapakasal ni LJ.

Wala pa raw silang napag-uusapang petsa.

“Wala pa. May kaniya-kaniya pa kaming kailangang ayusin.”

Mga ilang taon pa bago ito maisama sa kanilang plano?

“We’ll see. Hindi pa namin alam.”

Very close naman si Paolo kay Aki, ang anak ni LJ kay Paulo Avelino.

Tito Pao ang tawag nito sa kaniya.

“Sakto naman” kung ilarawan ng aktor ang relasyon niya sa 7-year-old son ni LJ.

OVER THE DARK TIMES. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa taping ng "Stories For The Soul," sa DICT Compound, Brgy. Paligsahan, Qeezon City.

Bida sina Paolo at Rodjun Cruz sa "Rehas" episode ng programa na mapapanood sa February 25 sa bago nitong timeslot, pagkatapos ng Dear Uge tuwing huling Linggo ng buwan.

Ang show ay tungkol sa darkest moments ng isang tao bago muling naging maganda ang buhay.

Tinanong namin si Paolo kung may hindi magagandang parte ba ng buhay niya ang papayagan niyang maipalabas sa publiko sa "Stories For The Soul."

“Hindi naman siguro sobrang dark,” sagot nito.

“Lahat naman meron. Marami naman.

“Siguro yung mga last few years ng buhay ko, kung titingnan mo, mga five years siguro, ganun.

“I think it was… hindi naman to a point na gumagawa ka ng masama.”

Kailan ulit naging magandang-maganda ang buhay niya? Simula nang makilala niya si LJ?

“Iyon, and sama-sama naman yun.

“Sometimes I think God uses someone so, di ba?

“Ako naman kasi before, mga ilang taon na ago, I used to go to church regularly, ganun, tapos nawala iyon.

“Minsan kasi tayo, kapag may pinagdadaanan tayo, nakakalimot tayo, e.

“Iyon yung mali natin. Normal, pero mali.”

Halos dalawang taon daw na hindi nag-church si Paolo.

Naging daan daw si LJ upang manumbalik ang tatag ng kanyang pananampalataya. -- For the full story, visit PEP.ph