ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Showbiz, politics mix at Mischa Amidala Lapid's baptism


Kagabi, November 18, ay idinaos ang binyag dito sa Pilipinas ng anak nina Mark Lapid at Tanya Garcia na si Mischa Amidala sa auditorium ng Philippine Stocks Exchange sa Ortigas, Pasig City. Nauna nang bininyagan ang two-month-old baby nina Mark at Tanya sa Las Vegas, Nevada a week after siyang maipanganak noong September 16. Sabi nga nina Mark at Tanya, celebration na lang halos ang ginawa nila last night, with almost all of Princess Mischa's godparents present. Si Father Ramon Pedroza ang nag-lead ng Eucharistic celebration sa pamamagitan ng isang misa na dinaluhan ng pamilya nina Mark at Tanya, sa pangunguna ng mga magulang ni Tanya at mga magulang ni Mark na sina Senator Lito Lapid at Mrs. Marissa Lapid. Bukod sa binyag ni Princess Mischa, naging celebration din ito ng birthday ng mommy ni Tanya na si Mrs. Cristy Lyttle. Ilan sa mga namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na present sa binyag ni Mischa at kabilang sa mga sponsors ay sina Senator Miguel Zubiri, Congressman Juan Miguel Arroyo, former Congressman Dodot Jaworski, Dondon Monteverde, Ogie Alcasid, Dingdong Dantes, Angelika dela Cruz, Tin Arnaldo-Dy (na kasama ang asawa at six-month-old baby girl niya), Cheska Garcia, at Jodi Sta. Maria-Lacson. Pinaghalong politics at showbiz people ang mga ninong at ninang ni Mischa Amidala. Bukod sa mga nabanggit, ang iba pang mga ninong ay sina Senator Francis Escudero, Governor Elrey Villafuerte, Governor Lyndon Barbers, Mayor Benhur Abalos, Patrick Lyttle Jr., Rod Ongpauco, Ricky Reyes, Paul Laus, Ronald Cayanan, Joaquin Reyes, at Carlos Rosales. Sa mga ninang naman, kasama rin sina Patricia Kristine Lyttle, Denise Lyttle, Katrina Mendoza, Consuelo Osorio, Veronique del Rosario-Corpuz, Peachy de Leon, Maricar de Mesa-Allado, Catherine Ilacad, Kathy Lee-Competente, Yanee Ortega, Diana Jean Esguerra, at Stephanie Lambat. - Philippine Entertainment Portal