ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Bianca Gonzales and JC Intal are expecting a baby girl
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa pamamagitan ng Instagram post, ibinalita ng PBA player na si JC Intal sa publiko na babae ang inaabangan nilang first baby ng bunstis niyang maybahay na si Bianca Gonzales.
“My girls woke me up. Welcome home,” ang maikling pahayag ng soon-to-be daddy sa kanyang Instagram post.
Kabilang sina Bianca at JC sa pinag-usapang celebrity weddings noong nakaraang taon, kasama ang kasalan nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, at Kapuso star Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.
Naganap ang pribadong kasal ng dalawa sa Lagen Island Resort, El Nido, Palawan noong December 4, 2014, at nasundan ito ng mas malaking post-wedding celebration sa ginanap naman sa Araneta Coliseum.
Nitong Abril lamang, inanunsyo ng mag-asawa na ipinagbubuntis na ni Bianca ang kanilang unang anak.
Mag-a-anim na buwan na ang baby sa sinapupunan ng TV host, at isa siya ngayon sa mga nagsusulong ng healthy at fit lifestyle para sa mga pregnant women sa pamamagitan ng doctor-approved exercises gaya ng swimming, pilates, yoga, at iba pa. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: biancagonzales, jcintal
More Videos
Most Popular