ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Dingdong Dantes shares latest teaser of ‘Encantadia’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kabilang ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa mga unang sumabak sa shooting para sa inaabangang remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia,” na inaasahang ipalalabas ngayong taon.

 

 

Back to where it all began 11 years ago. Avisala! #encantadia2016 @direkmark

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

 

Matapos niyang ibahagi ang larawan nila ng batikang direktor na si Mark Reyes, na siya ring nanguna sa pagbuo ng orihinal na “Encantadia” noong 2005, ipinasilip naman ni Dingdong ang isa sa pinakamahalagang gamit sa kuwento—ang mapa ng Encantadia. 

Ibinahagi rin niya ang isa sa mga unang linyang bibigkasin niya bilang ang karakter na si Raquim, na siyang magsisimula ng pagbabahagi ng kuwento tungkol sa mahiwagang kaharian.

“'Ito ang kuwento ng Encantadia,' - Raquim #encantadia2016,” ayon sa Kapuso Primetime King sa caption ng kaniyang Instagram post nitong Martes.

Dagdag pa niya tungkol sa karakter na bibigyang-buhay, "Mahalaga yung role kasi ni Raquim dahil siya 'yung isa sa mga maglalatag ng istorya saka magpapaliwanag kung bakit nangyari ito sa mga brilyante ng Encantadia.”

 

 

"Ito ang kuwento ng Encantadia" -Raquim #encantadia2016

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

 

Sa naunang pahayag, sinabi ni Dingdong na tila bumabalik sa kaniya ang mga alaala ng paggawa niya ng orihinal na “Encantadia,” kung saan siya gumanap bilang si Ybarro—ang karakter na gagampanan ngayon ng Kapuso actor na si Ruru Madrid. 

“Naalala ko yung itinuro sa akin ten years ago, pero masarap ngayon dahil siyempre may mga bago nang ano, lessons and kumbaga, nag-evolve na rin yung mga ginagamit na mga sandata," saad ng Kapuso Primetime King.

Bukod sa kaniya, bibida rin sa “Encantadia” sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Glaiza de Castro, Gabbi, Garcia, Sanya Lopez, John Arcilla, Rocco Nacino, at Pancho Magno, at marami pang iba. — RSJ, GMA News