Edu Manzano, humanga sa GMA sa paggawa ng 'Someone To Watch Over Me'
Kabilang ang batikang aktor na si Edu Manzano sa upcoming Kapuso primetime series na "Someone To Watch Over Me" na pagbibidahan nina Lovi Poe at Tom Rodriguez.
Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing nagsimula nang mag-taping si Edu para sa bagong programa.
Gagampanan ni Edu ang role bilang ama ng karakter ni Tom na matagal niyang hindi nakasama.
At habang gumagawa ng paraan si Edu para makahabol sa nawalang panahon nila ng anak, dadapuan naman ng early stages of alzheimer's disease si Tom.
"We also see a father now na naghahabol sa pagmamahal, gusto niyang ipakita ang lahat ng pagmamahal sa kanyang anak at nakita, unti-unti, he's fading away," pagbahagi ni Edu.
Puring-puri ni Edu ang GMA Network sa paggawa ng naturang serye na tumatalakay sa karamdamang katulad ng alzheimer's desease.
BASAHIN: Seryeng 'Someone To Watch Over Me,' hindi pangkaraniwang love story
"Channel 7 chooses to dare to come-up with itong mga klaseng subject matter na otherwise, hindi pinapatulan ng iba," aniya.
Natutuwa si Edu na sina Lovi at Tom ang kanyang makakasama dahil bagama't kaibigan niya ang mga ito ay ngayon lang daw silang magkakatrabaho.
Nang kumustahin ang unang araw ng pag-arte niyang muli sa harap ng kamera, tugon ni Edu, "Nandu'n yung nerbiyos. You didn't want to disappoint your director, I mean, this is director Maryo J. Delos Reyes, one of our finest directors." -- FRJ, GMA News