Paghaharap nina Danaya at Lilasari, inaabangan na!
Matapos tutukan ng mga manonood ang “Encantadia” nitong nakaraang linggo dahil sa paghaharap na tinaguriang “Pirena vs. Pirena,” inaabangan naman ngayon ng marami ang tapatan nina Sang'gre Danaya at Lilasari, na ginagampanan nina Sanya Lopez at Diana Zubiri.
Si Diana ang unang nagbigay-buhay kay Sang'gre Danaya noong 2005. Makalipas ang higit sa 10 taon, gumaganap naman siya bilang ang itim na diwatang si Lilasari sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series.
Makikita sa teaser ng inaabangang paghaharap ang paggamit ng arnis, na kilala bilang armas ni Sang'gre Danaya.
“Tila hindi ka marunong gumamit nito. Mas bagaya pa rin sa akin ito, hindi sa'yo,” ang wika ni Lilasari.
Encantadia: Danaya laban kay Lilasari by encantadia2016
Kasama nina Sanya at Diana na muling nagbibigay-buhay sa iconic teleserye sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez, bilang Sang'gre Amihan, Sang'gre Alena, at Sang'gre Danaya.
Bida rin sa "Encantadia" sina Klea Pineda, James Teng, Buboy Villar, John Arcilla, Mikee Quintos, Rodjun Cruz, Neil Sese, Carlo Gonzales, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News