ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nadine Samonte shares struggle during first pregnancy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang tatlong taon mula nang ikasal siya kay Richard Chua, isinilang ng aktres na si Nadine Samonte ang kanilang panganay na anak na si Heather Sloane.

Lingid sa kaalaman ng marami, naging maselan ang pagbubuntis ni Nadine dahil sa sakit na APAS, o Antiphospholipid Antibody Syndrome.

Paglalarawan ng thepoc.net sa naturang kondisyon, "A person’s antibodies are sort of on overdrive—they sometimes mistake their own body cells for foreign invaders, hence, attacking them. The antibodies attack all foreign bodies—which includes anything related to making a baby."

Kahit na alam niya ang paghihirap na daranasin sa pagbubuntis, pinili ni Nadine na ituloy ito at gawin ang lahat upang maging ligtas at malusog ang kanilang anak.

Aniya sa episode ng "Pinoy MD" nitong nakaraang linggo, "Nagulat lang kami na on the process na kami ng paggawa ng baby at doon ko na nalaman na I have APAS. Nag-series of blood tests kami, at nag-positive ako sa category one, two, and four. 'Yung three and five, negative."

"Ginawa ang lahat para kumapit ang bata. I had two injections a day, and around 53 to 56 tablets a day... Lahat ng pampakapit, lahat ng vitamins, minerals, calcium—lahat para sa anak ko, nandoon sa mga gamot na 'yon," kuwento pa ni Nadine.

 

 

A post shared by Nadine Chua ? (@nadinesamonte) on

 

Sa kabila ng hirap na pinagdaanan, wala raw katumbas ang kaligayahan na naramdaman ni Nadine nang maisilang na si Heather noong August 2016.

Aniya, "Sobrang worth it talaga. Totoo 'yung sinasabi nila na kahit gaano kahirap ang naramdaman mo, paglabas ng anak mo, iba. Parang nawala lahat ng hirap."

READ: Nadine Samonte shares struggles, joy of motherhood

"Masarap kasi iba ang feeling. Before, noong wala pa akong baby, it's different. Akala mo 'yung pinakamasayang nangyari sa buhay mo, 'yun na 'yon. Hindi pala. There's something more," dagdag pa ng aktres.

Malaki raw ang pasasalamat niya sa kaniyang asawang si Richard dahil nagsilbi itong kaniyang sandigan sa isa sa pinakamahirap na bahagi ng kaniyang buhay.

Hiling niya para sa lahat ng mommies, makatagpo rin ng isang matibay na support system upang maging sandalan sa panahon ng pagsubok.

Ayon kay Nadine, "Lahat talaga—depressed ako, parang pinagsakluban ako ng buong mundo. Sobrang supportive ng husband ko. Siya 'yung nandiyan from the start. 'Yung hindi ako iniwan. 'Yon ang importante, na nandiyan ang partner mo for you all the time."

-- FRJ, GMA News