Celebrity Life

Marian Rivera shares throwback photo with Dingdong Dantes in Dubai

By Aimee Anoc

Nagbalik-tanaw si Primetime Queen Marian Rivera sa pre-wedding shoot nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Dubai noong 2014.

Sa kanyang Facebook page, nag-post ng throwback photo si Marian mula sa shoot na ito, kung saan nakasuot ang aktres ng lavender gown at naka-suit naman ang aktor.

Ang larawan ay kuha ng fashion photographer na si Mark Nicdao.

Ibinahagi rin ni Dingdong ang larawan sa Instagram na may caption, "Dubai, 2014," na pinusuan naman ni Marian.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon ng mahigit 83,000 likes ang larawan sa Facebook at 100,000 likes naman sa Instagram.

Samantala, mahigit anim na taon nang kasal sina Marian at Dingdong. Nabiyayaan na rin sila ng dalawang anak na sina Maria Letizia Dantes at Sixto Dantes.

Unang nagkatambal sina Marian at Dingdong sa Philippine adaptation ng hit Mexicanovela na Marimar noong 2007.

Kapwa bumida rin ang dalawa sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (2009), Endless Love (2010), at My Beloved (2012).

Patuloy na mapapanood sina Marian at Dingdong sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Endless Love, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Legal Wives sa GMA Telebabad.

Balikan sa gallery na ito ang masayang pamilya nina Marian Rivera at Dingdong Dantes