GMA Logo Luane Dy at Carlo Gonzalez
Celebrity Life

Luane Dy at Carlo Gonzalez ibinida online ang fun activities ni Baby Christiano

By Jimboy Napoles
Published February 3, 2022 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Luane Dy at Carlo Gonzalez


Isa sa mga hilig ngayon ng anak ng mag-asawa ay ang pagdidilig ng halaman tuwing umaga. Alamin ang buong kwento, DITO:

Ibinida ng celebrity couple na sina Luane Dy at Carlo Gonzalez ang ilang nakakaaliw na toddler activities ng kanilang unico hijo na si Baby Jose Christiano, gaya ng phone call game, at ang pagdidilig ng halaman tuwing umaga.

A post shared by ℂ𝕒𝕣𝕝𝕠 𝔾𝕠𝕟𝕫𝕒𝕝𝕖𝕫 (@jcdgonz)


Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ikinuwento ni Luane ang ilang milestone ng kanilang growing baby boy na patuloy sa pag-explore ng kanyang talent and skills.

Challenge raw para sa mag-asawa kung paano pananatilihing interesting at fun ang activities ni Baby Christiano. Binabawasan din daw nila ang screen time ng anak at mas pinag-po-focus sa ibang core learning activities.

"'Yan ang isa sa mga activities niya every morning [pagdidilig ng halaman]," ani Luane.

"Mahilig siya sa art stuff so marami akong binibili na mga pang-arts and crafts. Ang gusto niya ay pag-du-doodle na ngayon, drawing na siya ng drawing, may whiteboard kasi siya e," dagdag pa niya.

Ang isang post naman na ito ni Carlo na kunwaring nasa phone call sila ni Christiano, pinusuan online maging ng ilang mga celebrities gaya nina Dianne Medina, Ruru Madrid at Sanya Lopez.

A post shared by ℂ𝕒𝕣𝕝𝕠 𝔾𝕠𝕟𝕫𝕒𝕝𝕖𝕫 (@jcdgonz)


"AHAHAHAHAHAHA ang cute nyan sya," kumento ni First Lady actress na si Sanya.

Comments

Napansin naman ni Lolong actor na si Ruru ang mabilis na paglaki ng kanyang inaanak. "Big boy na ang inaanak ko," ani Ruru.

Abangan naman si Carlo bilang si Draco sa highly-anticipated Philippine adaptation ng Japanese anime series na Voltes V: Legacy malapit na sa GMA.

A post shared by ℂ𝕒𝕣𝕝𝕠 𝔾𝕠𝕟𝕫𝕒𝕝𝕖𝕫 (@jcdgonz)

Samantala, silipin naman ang mga cute na larawan ni Baby Christiano sa gallery na ito.