Celebrity Life

Princess Aguilar, nag-donate ng buhok sa cancer patients

By Cherry Sun

Nagpaiksi ng buhok si Princess Aguilar at sinigurado niyang may makikinabang dito nang ibigay niya ang kanyang ginupit na buhok bilang donasyon sa cancer patients.

Ibinahagi ni Princess sa social media ang kanyang bagong hairstyle. Mas maiksi na ang kanyang buhok matapos ito i-donate para sa cancer patients.

Sa isang litratong naka-post sa kanyang Facebook page, makikitang ang Hair for Hope ang napili niyang organization para sa kanyang hair donation.

ALAMIN: Saan pwedeng mag-donate ng buhok?

Ang batang Kapuso star ay minsang napanood sa Onanay, My Special Tatay at Daig Kayo Ng Lola Ko. Muli siyang mapapanood sa upcoming Kapuso series na First Yaya kung saan makakasama niya sina Marian Rivera at Gabby Concepcion.