Celebrity Life

Mavy Legaspi, may funny encounter sa isang netizen sa mall

By Jimboy Napoles

Tila hindi maka-get over ang isang netizen sa nag-viral na sagot ng Kapuso actor na si Mavy Legaspi sa naging guesting nito kamakailan sa pinag-uusapang game show ngayon sa GMA na Family Feud.

Sa Twitter nitong Lunes, November 28, ibinahagi ni Mavy ang funny encounter niya sa isang netizen habang siya ay nasa isang mall kung saan bigla na lamang siya nitong tinanong ng survey question na kanyang sinagot sa naturang game show.

"Was walking around the mall and then someone said… MAVY, 1+1?" kuwento ni Mavy sa kanyang tweet.

Matatandaan na nag-viral sa social media kamakailan ang video ni Mavy kung saan "Hotdog" ang kanyang isinagot sa survey question ng game master na si Dingdong Dantes.

"Kapag nagbibiruan, anong kalokohan ang isinasagot sa'yo ng friend mo kapag tinanong mo siya ng one plus one?" tanong ni Dingdong kay Mavy.

Matagal na napaisip si Mavy at dahil tumatakbo ang oras, ito ang kanyang naisip na isagot, "Hotdog."

Panoorin ang nakatutuwang moment na ito ng teen actor sa TikTok video na ito:

@familyfeudph Ha? 🌭 #fyp #familyfeudph ♬ original sound - Family Feud Philippines

Sa ngayon, umabot na sa 1.9 million views ang viral TikTok video na ito ni Mavy.

Samantala, thankful naman ang Kapuso actor sa matagumpay na concert nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na "JulieVerse" nitong Linggo, November 27, kung saan naging guest performer sila ng kanyang onscreen partner na si Kyline Alcantara.

Tumutok naman sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

SILIPIN ANG HANDSOME PHOTOS NI MAVY LEGASPI SA GALLERY NA ITO: