
Sa pagpasok ng panibagong linggo ng hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, isang bagong karakter ang darating sa buhay ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap).
Bukod sa batikang aktor na si Gabby Eigenmann at sa Sparkle star na si Jamir Zabarte, isang veteran actress ang manonood din sa serye.
Sino kaya ang babaeng bibisita kay Doc RJ? Ano kaya ang koneksyon niya sa doktor at sa ama nito na si Lolo Pepe?
Sa pagdating ng bagong karakter sa serye, mas magiging magulo nga ba ang mga kaganapan sa APEX Medical Hospital?
Samantala, ku-kwestiyunin nga ba ng isang sikat na chef ang kakayahan ng batang doktor na si Analyn?
Anu-ano pa kaya ang mangyayari sa buhay ng mag-inang Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward)?
Malalaman na ba ni Analyn ang tunay na nangyari sa kanyang ama?
Samantala, ilan sa mga unang napanood bilang guest actors sa serye ay Bubble Gang stars na sina Betong Sumaya at Arny Ross, Legaspi siblings na Mavy at Cassy Legaspi, Max Collins, Lianne Valentin, Anjo Damiles, at marami pang iba.
Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Lunes, March 18, sa serye:
Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
KILALANIN ANG IBA PANG NAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: