
Sa loob ng apat na taon, nananatiling proud Kapuso si EA Guzman nang muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center noong Nobyembre.
Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni EA na looking forward siya sa mas marami pang challenging roles na ipagkakatiwala sa kanya ng Kapuso network.
Bukod dito, excited din si EA sa mga susunod na makakatrabaho sa mga proyektong gagawin. Ani ng aktor, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang makasama sa isang serye ang longtime girlfriend na si Shaira Diaz.
Photo by: shairadiaz_ (IG)
"Siyempre gusto ko ring makatrabaho si Baba (Shaira) sa isang teleserye," sabi ni EA. "Gusto ko romcom kasi 'yun kami. Kahit offcam kami ni Baba, biruan, makulit kami. Hindi kami lumalagay sa, alam mo 'yun, 'pag naramdaman namin na seryoso kami, bini-break namin 'yun. Nagpapatawa kami, nagpapatawa ako. Romcom at saka siguro 'yung mala-action."
Isa pa sa nais na makatrabaho ni EA ay si Asia's Multimedia Star Alden Richards, na aniya ay "napakabait and very down to earth na tao."
"I think masarap din siyang kaeksena sa isang eksena na madrama, challenging," dagdag ng aktor.
Samantala, patuloy na mapapanood si EA bilang Miro sa Nakarehas Na Puso, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG SWEETEST MOMENTS NINA EA GUZMAN AT SHAIRA DIAZ DITO: