
Marami ang na-excite sa inilabas na teaser ngayong Lunes (December 30) ng inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa 30-second teaser, ipinakita ang ilan sa mga aabangang eksena sa serye. Ilan sa mga ipinasilip ay ang fights scenes ni Terra, na pagbibidahan ni Bianca Umali, kasama ang iba pang new generation Sang'gres na sina Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
Ipinasilip din ang ilang intense scenes nina Glaiza De Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, at Rhian Ramos bilang Mitena.
Ilan sa komentong natanggap ng teaser ay "'Yung fight scenes ng Encantadia Chronicles: Sang'gre... Astig!" "Can't wait," "Exciting," at "Ang galing."
Kabilang ang Encantadia Chronicles: Sang'gre sa upcoming shows na mapapanood sa GMA Prime ngayong 2025.
BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: