Showbiz News

Baby Alessa nina Joshua Zamora at Jopay Paguia, dancer in the making na rin!

By Dianara Alegre

Kinaaaliwan online ang cute TikTok videos ni baby Isabelle Alessa na unica hija ng celebrity couple na sina Manoeuvres member Joshua Zamora at Sexbomb dancer Jopay Paguia.

'Tila namana ni Alessa ang galing sa pagsasayaw sa kanyang mga magulang na kapwa hinahangaang dancers.

Sa eksklusibong panayam ni broadcast reporter Nelson Canlas kina Jopay at Joshua para sa 24 Oras, ibinahagi nila kung paano nahilig at kung kanino nagmana ni Alessa ang interes sa pagsasayaw.

“Nagmana sa pagsasayaw? Parang pareho, e,” sabi ni Jopay.

“'Yung one-year-old siya, hindi ko pinaparinig sa kanya 'yung mga kanta namin Sexbomb, kasi gusto ko siya mismo makatuklas no'n.

“Tapos nu'ng one time my rehearsal kami ng Sexbomb, kami nina Aira, puro tugtog namin. Nagulat na lang ako sa gilid bigla na lang siya nag-a-'Aw!'" sabi pa niya.

Samantala, kahit may dalawang binatilyong anak na si Joshua, ibinahagi niyang marami pa rin siyang natututunan sa pagpapalaki ng bunso at unica hija niya.

Lagi rin umano silang magkasamang mag-ama.

WATCH: Anak ni Jopay Paguia, sumayaw sa kantang pinauso ng SexBomb Girls

LOOK: Jopay Paguia has a sweet birthday message for husband Joshua Zamora

“Mas naging solid kami kasi mas maraming natututunan na mga bagay.

“Ako, aside from a being a father 20 years ago, parang bumalik ulit ako du'n sa ang dami ko na namang hindi alam so 'pag pareho namin siyang pinag-aaralan.

“Wala kaming choice kailangan talaga namin siyang pag-aralan talaga, e. Kasi hindi biro 'yung parenting na sinasabi,” sabi pa ni Joshua.

Isinilang ni Jopay si baby Isabelle Alessa noong December 2017.

Panoorin ang buong 24 Oras report: