Showbiz News

BB Gandanghari, may payo kina Kylie Padilla at Aljur Abrenica

By Jansen Ramos

Nakipag-date si Binibining "BB" Gandanghari sa kanyang fans sa pamamagitan ng livestreaming sa Instagram.

Dito ay nakipagwentuhan si BB sa kanyang followers tungkol sa buhay niya sa Amerika.

Sa nasabing IG live, ilang beses siyang hiningan ng pahayag tungkol sa mainit na kontrobersiya ng kanyang pamangkin na si Kylie Padilla at ni Aljur Abrenica.

Ayon kay BB, hindi niya alam kung ano ang isyu kaya pinili niyang huwag mangialam.

Pero dahil sunud-sunod ang mga tanong tungkol sa kung ano ang masasabi niya sa anak ng kapatid niyang si Robin Padilla, napilitan siyang magbigay ng pahayag lalo na noong nabanggit sa kanya ang umano'y pangangaliwa ni Kylie.

Kung tutuusin, ayaw ni BB magsalita tungkol dito pero, dahil na rin galing sa isang failed marriage, nagbigay siya ng payo kay Kylie at sa estranged husband nitong si Aljur.

"Ang paghihiwalay is not a joke, it's not a career move or something to be para mapag-usapan ka, masakit 'yan.

So, what can I advise these two being younger that you are, try to keep your dirty linens in the washroom. I'm sure you know what I mean."

Bilang tita ni Kylie, payo ni BB na mag-focus na lang sina Kylie at Aljur sa kanilang mga anak.

"Try to keep things in private as much as possible kasi may mga anak kayo unang una, so yun lang. I think what they need to think about now are the children."

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb)

Matatandaang si Robin ang unang nagsilawat na hiwalay na ang kanyang anak sa asawa sa exclusive interview ni Ogie Diaz sa kanya noong July 7, 2021.

Inulan naman ng batikos si Aljur matapos kumpirmahin ng sexy actress na si AJ Raval na nililigawan siya ng aktor. Para kay Kylie, hindi naman isyu kung makipag-date sila sa iba.

Lalong uminit ang kontrobersiya nang maglabas si Aljur ng statement sa social media, kung saan hinahamon niya si Kylie na sabihin kung ano ang totoong nangyari. Dito ay inakusahan din niya ang dating misis na unang nangaliwa.

Kinontra naman ito ng pinsan ni Kylie na si Princess Paulino at dinepensahan ang aktres mula sa mga akusasyon ni Aljur.

Wala pang pormal na pahayag si Kylie tungkol sa isyung kinasasangkutan niya pero inaasahan na sasagutin niya ito sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, October 24.

Bukod kina Kylie at Aljur, narito pa iba pang celebrity breakups na ikinagulat ng marami: