GMA Logo Mark Herras and Baby Corky
Source: nicole_donesa (Instagram)
What's Hot

Mark Herras reunites with Baby Corky after a month of lock-in taping

By Jimboy Napoles
Published February 22, 2022 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Herras and Baby Corky


Masayang sinalubong ni Mark Herras ang kanyang pamilya matapos ang higit isang buwan na pananatili sa lock-in taping.

Nakauwi na sa kanyang pamilya ang aktor na si Mark Herras matapos sumalang sa second lock-in taping ng pagbibidahang serye na Artikulo 247.

Makikita sa Instagram post ng aktor at ng kanyang asawa na si Nicole Donesa ang abot-tenga niyang mga ngiti nang muling makasama ang anak na si Baby Corky.

A post shared by ɪᴄᴏ♡ (@nicole_donesa)

"Together again," caption ng misis ni Mark na si Nicole sa kanyang post.

Matatandaan na ilang okasyon ng pamilya ang na-miss ni Mark habang siya ay nasa lock-in taping gaya na lamang ng first birthday ni Baby Corky na ginawang “Average Joe” ang tema at ang Valentine's Day na dapat sana ay oras nila ng asawang si Nicole.

Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ang aktor sa mga proyektong dumadating sa kanya na alay niya rin para sa kanyang pamilya.

Makakasama naman ni Mark sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247 sina Rhian Ramos, Kris Bernal, at Benjamin Alves.

Samantala, silipin naman ang ilang larawan ng masayang pamilya nina Mark, Nicole at Baby Corky sa gallery na ito.