Showbiz News

Dingdong Dantes, negatibo sa COVID-19

By Jansen Ramos

Ibinahagi ni Dingdong Dantes na ready na siyang magbalik-trabaho matapos mag-negatibo sa COVID-19 antigen swab test, na isinagawa ng kanyang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) co-star na si Rocco Nacino, isang registered nurse.

Ayon sa Instagram Story ni Dingdong noong Linggo, Sptember 20, ang partner doctors ni Rocco ang nangasiwa ng antigen test at nag-isyu ng medical certificate na naglalaman ng resulta ng pagsusuri.

Ayon sa U.S. Food and Drug Administration, ang antigen test ay mabisa para mabilis na matukoy ang viral proteins na sanhi ng SARS-CoV-2 o COVID-19 sa pamamagitan ng nasal cavity swabing.

Matapos sumailalim sa 10-day lock-in taping para sa Descendants of the Sun PH, nag-self-quarantine si Dingdong sa isang bed and breakfast sa Tanay, Rizal upang makasiguradong wala siyang nakuhang sakit bago umuwi sa kanyang pamilya.

Sa ngayon, abala si Dingdong sa pagma-manage ng kanyang delivery app business na DingDong PH at sa pamumuno ng AKTOR, isang liga ng mga artista.