What's on TV

Jeric Gonzales, sumailalim sa sign language workshop para sa '#MPK' role

By Marah Ruiz
Published October 15, 2020 7:12 PM PHT
Updated January 21, 2022 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Raffy Tulfo ties Sara Duterte in Pulse Asia match-up poll; Leni closes in
Farmers in Iloilo get help in transporting harvest to city
6 Strategies to improve self-control

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Gonzales sign language workshop


Para paghandaan ang kanyang role sa isang '#MPK' episode, sumailalim si Jeric Gonzales sa isang sign language workshop.

Puspusan ang paghahanda ni Kapuso actor Jeric Gonzales para sa kanyang pagganap sa isang episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Gaganap kasi si Jeric bilang isang estudyanteng deaf sa episode na pinamagatang "Sign Language of Love."

Bibigyang-buhay niya si Alex, na mahuhulog ang loob sa kanyang teacher na si Beth, na gaganapan naman ni Kapuso actress Thea Tolentino.

Para paghandaan ang kanyang role, sumailalim siya sa isang workshop para masanay sa sign language.

Espesyal ang naging workshop dahil ang tunay na Beth o si Beatriz Osorio-Go pa mismo ang nagturo sa kanya.

Si Beth ang founder and managing director ng St. Therese Little Flower Sign Language Center sa Dasmarinas, Cavite.

Bukod kay Jeric, naging bahagi din ng workshop ang direktor ng episode na si Don Michael Perez pati na ang ibang staff ng #MPK.

"Ang ganda po nito," pahayag ni Jeric tungkol sa kuwento.

Naging challenging daw para sa kanya ang role pero handa siyang harapin ito.

"Medyo mahirap lang po pero pag-aaralan po saka ire-research po," aniya.

Panoorin si Jeric Gonzales sa "Sign Language of Love" sa #MPK ngayong Sabado, January 22, 9:00 p.m., pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: