Showbiz News

Alfred Vargas, 'abot-langit' ang paghanga kay Nora Aunor

By Gabby Reyes Libarios

Hindi masukat ang paghanga ni AraBella actor Alfred Vargas kay Nora Aunor. Kaya naman no'ng nag-birthday ang Superstar kamakailan, isang taos-pusong appreciation message ang ipinost ng aktor sa kaniyang Instagram.

Pahayag ng aktor, "HAPPY BIRTHDAY to our one-and-only Superstar, our National Artist, our National Treasure, our Icon of Cinema, and ... my beloved mother in #PIETA!

"Ate Guy, mas pinamangha ninyo ako nang nakatambalan ko kayo sa eksena, kahit abot-langit na ang admiration ko sa inyo bilang kapwa artista."

Para sa mga hindi nakakaalam, bukod sa pagiging isang masugid na tagahanga si Alfred Vargas, nakatrabaho rin ng aktor si Nora sa Pieta, ang drama-suspense movie na idinirihe ni Adolfo Alix Jr.

Ang pagiging mapagkumbaba ni Nora Aunor ang isa sa maraming magagandang qualities na tumatak kay Alfred. Malaki rin ang pasalamat niya dahil kailanman hindi ipinaramdam ng beteranang aktres na siya ay mas experienced.

"Despite being a larger-than-life figure, your humility and kindness struck me. I never felt like a small or novice artist with you. You even motivated me to push myself harder and to love our craft even more passionately.

Sa katunayan, mas na-inspire pa nga si Alfred na pagbutihin ang pag-arte. Kaya itinuturing ni Alfred na isa sa "defining" moments ng kaniyang acting career ang makatambal si Nora Aunor sa Pieta.

"Starring with you in #PIETA will always be a defining moment in my career kaya't super excited na ako sa pelikula natin. Excited na ako para sa kapwa nating Pilipino at makakapanood na naman sila ng isang obra maestrang hiling ko'y magiging isang Nora Aunor canon.

Hiling ni Alfred ang mabuting kalusugan at kasaganaan sa ika-70 kaarawan ng nag-iisang Superstar.

"In your birthday, I wish you only the very best dahil deserve po talaga ninyo. May God shower you with blessings of joy and prosperity. I will be seeing you again, Ate Guy, sa mga susunod ng kabanata ng ating landas sa industiyang ito--where you shine as among our brightest and most beautiful guiding stars."

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)

Kahit sa previous reports, naging bukambibig na ni Alfred kung gaano siya ka-excited at kasaya na makatrabaho si Nora Aunor, pati na rin ang batikang aktres at direktor na si Gina Alajar.

“I'm very excited to work with the one and only Superstar. First time ko siya makakatrabaho,” sambit ni Alfred sa isang nagdaang panayam ng GMANetwork.com.

Dagdag niya, “Actually, nanginginig nga ako sa excitement at sa kaba. Isipin mo, makakaeksena ko siya, e, lalo na mapapanood pa ang 'Himala' sa Netflix.

“Talagang grabe, dream come true. One check ito sa bucket list ko kapag napalabas na namin ang pelikula. I could only imagine yung sa red carpet, to walk with Nora Aunor, National Artist pa. For me, yun ang gist ng feelings ko, I'm just excited to work with Nora Aunor.”

BUKOD SA PAGIGING AKTOR, PRODUCER, AT PUBLIC SERVANT, ISANG FAMILY MAN DIN SI ALFRED VARGAS. SILIPIN SA GALLERY NA ITO: