Showbiz News

Alden Richards at Julia Montes, may intense kissing scenes sa 'Five Break-ups and A Romance'

By EJ Chua

Ramdam na ramdam na ang excitement ng fans at viewers sa nalalapit na pagpapalabas ng kauna-unahang movie nina Alden Richards at Julia Montes.

Ito ay ang pinag-uusapang 2023 film na idinirek ng film director na si Direk Irene Villamor na pinamagatang Five Break-ups and a Romance.

Bukod sa nag-trend ang announcement tungkol dito, usap-usapan din ngayon ang ilang kakaibang eksena nina Alden at Julia na matutunghayan sa pelikula.

Kamakailan lang, ibinahagi ng isang rom-com director na si Direk Antoinette Jadaone ang isang video sa TikTok, na labis na nakapagpagulat sa netizens.

Napanood sa naturang video ang ilang pasilip sa daring scenes ng lead stars.

Hindi maikakailang nasorpresa ang fans nina Alden at Julia nang malaman na mayroon silang kissing scenes sa pinakaaabangang palabas.

@tonetjadaone btw i asked permission to share this. share ko na ba buo??? Wuw #FiveBreakupsAndARomance ♬ original sound - tonetjadaone

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang pasilip sa kanilang mga eksena.

Ang ilan, napansin agad ang chemistry nina Alden at Julia at tila excited na silang mapanood ang mas marami pang sweet scenes ng dalawa.

Narito ang ilang komento ng netizens sa kissing scenes ng dalawang aktor para sa upcoming film:

Matatandaang sa isang panayam, sinabi ni Alden na handa na siya ngayon sa mas mature na roles bilang isang aktor.

Sabay-sabay nating abangan at panoorin sa big screens ang romance-drama movie na Five Break-ups and A Romance.