What's Hot

Alden Richards, sumabak na sa mas matitinding eksena sa 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published October 1, 2024 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace recognizes leadership of acting SP Sherwin Gatchalian
Stagnant water from canal affects GenSan school; raises dengue risk
Remastered 'Muro-ami' now showing in select cinemas nationwide

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Abangan ang mas tumitinding mga eksena ni Alden Richards bilang si Eduardo sa 'Pulang Araw.'

Mas mabibigat at mas madamdamin ang mga eksenang ginagawa ngayon ni Asia's Multimedia Star Alden Richards para sa Pulang Araw. Ito ang kaniyang ikinuwento sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras.

Sa recent episodes ng nasabing serye, napanood ang mas komplikadong sitwasyon ng mga bidang sina Eduardo, Adelina, Teresita, at Hiroshi, na ginagampanan nina Alden, Barbie Forteza, Sanya Lopez, at David Licauco. Ito ay dahil sa masasamang hangarin ng mananakop na Hapones kabilang si Col. Yuta Saitoh na binibigyang buhay ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Kuwento ni Alden, “Ito na talaga 'yung hardships ng lahat ng character namin all towards the greater war kasi meron pa talagang mas malaking labanan na magaganap sa pagitang ng mga Hapones, Amerikano, at Pilipino. So, ito yung mga patikim namin para sa audience.”

Ayon pa kay Alden, may mga bagay din siyang ginagawa upang makawala sa kaniyang karakter bilang si Eduardo matapos kunan ang mga matitindi niyang eksena.

Aniya, “Mabigat talaga pero magse-cellphone lang ako diyan, manonood ng videos, just to get my mind off of it kasi kapag masyado mo siyang minethod, if you dwell deeper into what's really happening it's a very depressing story, especially on Eduardo's part…I'm really amazed on how resilient Eduardo is when it comes to these kinds of moments in his life.”

Samantala, wagi naman bilang National Winner sa Best Promo/Trailer category ang Pulang Araw sa prestihiyosong Asian Academy Creative Awards 2024. Bukod dito, nominado rin ang nasabing hit family drama ng GMA bilang Best Soap/Telenovela sa Venice TV Awards 2024.

Nagpapasalamat naman si Alden, sa mga pagkikilalang natatanggap ng Pulang Araw sa loob at labas ng bansa.

“Nakakatuwa na hindi lang tayo nakakatanggap ng recognition sa local scene but also sa international. We're very humbled and very honored for this award,” ani Alden.

Patuloy na subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: Pulang Araw: Ang mga unang larawan