advertisement
Showbiz News

Pinoy singers na nakilala sa Kapuso singing competitions noong '90s and '00s

1 of 18

Faith Cuneta 

First runner-up sa 1997 talent competition na 'Metropop Star Search' ang singer na si Faith Cuneta. Kinalaunan ay nakilala si Faith bilang "Koreanovela Diva" dahil sa pag-awit niya ng mga Koreanovela theme songs na napapanood sa GMA.

2 of 18

Kyla 

Naging second runner-up naman si Kyla sa unang season ng 'Metropop Star Search,' na nagbigay daan sa kaniya upang maging isang singer sa GMA. Binansagan si Kyla na R&B Princess dahil sa kaniyang signature riffs and runs sa pagkanta.

3 of 18

Toni Gonzaga 

Nakalaban ni Toni Gonzaga sina Kyla at Faith sa 'Metropop Star Search' noong siya ay 13 taong gulang pa lamang. Noong 2002, naging host siya ng longest-running noontime variety show sa bansa na 'Eat Bulaga.'

advertisement
4 of 18

Roxanne Barcelo 

Sumali si Roxanne Barcelo sa ikalawang season ng 'Metropop Star Search' at naging first runner-up. Napanood din si Roxanne sa ilang Kapuso shows gaya na lang ng 'Click,' 'Art Angel,' at 'Amaya.'

5 of 18

Rachelle Ann Go 

Itinanghal si Rachelle Ann Go na Grand Champion sa singing competition na 'Search for a Star' noong taong 2004. Nakikilala si Rachelle sa international scene dahil sa kaniyang pagganap sa mga musical sa West End theatre, London.

6 of 18

Jona Viray 

Si Jonalyn Viray o Jona ang kinilalang kampeon ng kauna-unahang season ng 'Pinoy Pop Superstar.' Kasunod nito, napanood si Jona sa mga Sunday noontime variety shows ng GMA na 'SOP,' 'Party Pilipinas,' at 'Sunday All Stars.'

advertisement
7 of 18

Brenan Espartinez 

Naging first runner-up ni Jona ang singer na si Brenan Espartinez sa 'Pinoy Pop Superstar.' Bago siya sumali sa singing competition na ito, unang nakilala si Brenan bilang si Agatom sa '90s educational TV series na 'Sine'skwela.'

8 of 18

Gerald Santos 

Naging Grand Champion ng ikalawang season ng 'Pinoy Pop Superstar' ang singer na si Gerald Santos sa edad na 15. Noong taong 2017-2019, naging parte si Gerald ng 'Miss Saigon' UK/International Tour.

9 of 18

Aicelle Santos 

First runner-up naman si Aicelle Santos sa 'Pinoy Pop Superstar' season two. Kilala rin si Aicelle sa kaniyang musical theater roles na sina Aileen sa 'Rak Of Aegis' at Elsa sa 'Himala: Isang Musikal.' Internationally, ginampanan niya ang role na Gigi sa 'Miss Saigon' World Tour.

advertisement
10 of 18

Ronnie Liang 

Sumali rin ang model, singer, and pilot na si Ronnie Liang sa second season ng 'Pinoy Pop Superstar.' Maliban sa entertainment at aviation industry, isa na ring army frontliner si Ronnie.

11 of 18

Maricris Garcia 

Nag-champion naman si Maricris Garcia sa third season ng 'Pinoy Pop Superstar' noong taong 2007 kung saan siya ay binansagang "Divine Princess." Maliban sa pagiging isang accomplished singer, napanood rin sa maraming Kapuso variety shows at teleseryes. Isa na ring soon-to-be mom si Maricris!

12 of 18

Bryan Termulo 

Runner-up naman ang singer na si Bryan Termulo kay Maricris sa 'Pinoy Pop Superstar.' Binigyang tinig ni Bryan ang maraming teleserye theme songs kaya siya binansagang "Prince of Teleserye Theme Songs."

advertisement
13 of 18

Rita Daniela 

Si Rita Daniela ang unang champion ng children's singing competition na 'Popstar Kids.' Maliban sa kaniyang music, marami rin ang humahanga kay Rita sa kaniyang husay sa pag-arte at sa chemistry niya with her love team na si Ken Chan.

14 of 18

Julie Anne San Jose 

Sumali rin ang Kapuso singer na si Julie Anne San Jose sa 'Popstar Kids.' Hindi man siya pinalad na manalo, unti-unting lumaki ang pangalan ni Julie sa industriya at ngayon ay kinikilala siyang "Asia's Pop Diva."

15 of 18

Kier King 

Naging kampeon naman si Kier King sa 'Popstar Kids' season two. Noong taong 2014 naman ay sumali rin si Kier sa 'Bet ng Bayan' kung saan siya ay naging isang finalist.

advertisement
16 of 18

Gretchen Espina 

Nanalo si Gretchen Espina sa 'Pinoy Idol' noong taong 2008. Bukod sa pagiging isang mahusay na singer, isa ring theater actress at entrepreneur si Gretchen.

17 of 18

Frencheska Farr 

Isa si Frencheska Farr sa dalawang Grand Winners sa 'Are You the Next Big Star.' Maliban sa music, pinasok rin ni Frencheska ang acting. Ngayon, enjoy si Frencheska sa kaniyang married life with husband Gino Jose.

18 of 18

Geoff Taylor 

Kagaya ni Frencheska, nanalo rin si Geoff Taylor sa 'Are You the Next Big Star.' Patuloy pa rin si Geoff sa kaniyang pag-pursue ng music.

advertisement