advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Hottest showbiz stories of 2021

1 of 12

Derek Ramsay and Ellen Adarna's whirlwind romance

Nagsimulang mamuo ang magandang samahan sa pagitan ni Derek Ramsay at sexy actress and former 'Bubble Gang' star na si Ellen Adarna nang dumalo ito sa isang dinner party na inihanda ng Kapuso actor sa kanyang bahay noong Enero. Sa mga larawan at video in-upload ng kanilang kaibigang si Ruffa Gutierrez, makikitang sweet at cozy sina Derek at Ellen sa isa't isa. True enough, mahigit isang buwan lamang matapos ang dinner party na iyon ay inamin ng dalawa na in a relationship sila sa isang panayam ng PEP.ph noong February 26. Noong sumunod na buwan din ay na-engage sina Ellen at Derek at ikinasal noong November 11. Ayon kay Derek, perfect timing ang pagdating ni Ellen sa kanyang buhay kaya madali silang nag-click.

2 of 12

Jennica Garcia and Alwyn Uytingco's rumored reconciliation amid split

"From a family-of-four, we are now a family-of-three," ito ang matapang na pahayag ni Jennica Garcia matapos kumpirmahing hiwalay na sila ng mister at ama ng dalawang anak na si Alwyn Uytingco noong Mayo. Pero noong Oktubre lang ay nagpahiwatig si Alwyn ng pakikipagbalikan kay Jennica, na ikinatuwa ng kanilang fans. Sama-sama ring nag-celebrate ng Pasko ang pamilya.

3 of 12

Death of celebrities and personalities

Maliban sa mga hiwalayan, naging taon din ng 2021 ng mga namayapang sikat na celebrity at personalidad. Una na riyan ang dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na namatay sa edad na 61 sanhi ng renal disease secondary to diabetes noong June 24. Labis ding nagluksa ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng aktres na si Claire Dela Fuente, batikang manunulat na si Ricky Lo, Jukebox King Victor Wood, celebrity photographer and visual artist Raymund Isaac, at mga komedyanteng sina Mahal, Le Chazz, Shalala, Arlene Tolibas, Ate Shawie, at Hans Mortel. Basahin dito ang pagbibigay-pugay ng GMANetwork.com sa mga namayapaang artista at personalidad ngayong 2021.

advertisement
4 of 12

Bea Alonzo's transfer to GMA

Naging maingay ang paglipat sa GMA ng isa sa mga kilalang aktres na si Bea Alonzo, na 18 years namalagi sa kalabang istasyon. Pumirma siya ng exclusive contract sa Kapuso network noong July 1. Sa kanyang paglipat, inaasahang bibida si Bea sa isang serye at inaabangan din ang pagtatambal nila nila Alden Richards sa isang pelikula na co-produced ng GMA Films.

5 of 12

Mr. M as GMA Artist Center consultant

Labis ding pinag-usapan ang pag-alis ng kinikilalang starmaker at haligi ng Star Magic, talent management arm ng ABS-CBN, na si Johnny Manahan, o mas kilala sa pangalang Mr. M, at mas umingay pa ito nang maging consultant siya ng GMA Artist Center.

6 of 12

Kylie Padilla and Aljur Abrenica's split

Namuo ang intrigang hiwalay na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica noong nag-share ng cryptic posts ang aktres sa social media. Nanatiling tahimik si Kylie tungkol sa sitwasyon nila Aljur hanggang sa kinumpirma ng ama ng magandang aktres na si Robin Padilla noong Hulyo sa vlog ni Ogie Diaz na hiwalay na ang mag-asawa matapos ang mahigit dalawang taong pagsasama. Nasangkot pa ang baguhang sexy actress na si AJ Raval na nililigawan noon ni Aljur. Gayunpaman, hindi naman daw isyu kay Kylie kung magkaroon man sila ng kanya-kanyang karelasyon matapos ang kanilang breakup. Muling uminit ang kontrobersiya nang akusahan ni Aljur si Kylie na unang nangaliwa sa isang viral Facebook post. Matapang na sinagot ni Kylie ang akusasyong ito sa tell-all interview niya sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho.' Matapos ang patutsadahan sa social media, binura ni Aljur ang kanyang controversial post at tinawag si Kylie na "love of my life" sa isang press conference.

advertisement
7 of 12

Paolo Contis and LJ Reyes's split

Umugong ang hiwalayan ng Kapuso couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes sa kasagsagan ng launch ng pelikula ng una na 'A Faroe Way Land.' Kinumpirma naman ni LJ ang nakakalungkot na balita sa exclusive interview ni Boy Abunda sa kanyang YouTube channel noong Agosto. Usap-usapan na third party ang sanhi ng kanilang breakup kung saan nasangkot ang love team ni Paolo sa pelikula na si Yen Santos. Nagsama sina LJ at Paolo ng anim na taon. Mayroon silang isang anak--si Summer Ayanna.

8 of 12

More celebrity breakups

Bukod kina Kylie-Aljur at Paolo-LJ, naging maingay din ang hiwalayan ng iba pang celebs at personalities gaya ng mag-asawang Maggie Wilson at Victor Consunji, content creators Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao, vloggers Jelai Andres at Jon Gutierrez, at LGBT couple na sina Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at DJ Kate Jagdon. Viral din sa social media ang biglaang pagpapakasal ng PBA player na si Scottie Thompson sa dating flight attendants na si Jinky Serrano. Pinag-usapan ito sa social media dahil ilang buwan bago ang kanilang civil wedding, nag-propose si Scottie sa eight years niyang girlfriend na si Pau Fajardo.

9 of 12

Heart Evangelista's art collaboration with Brandon Boyd

Mapapa-"sana all" ka na lang sa Queen of Creative Collaboration na si Heart Evangelista na nakunang naka-pasan sa likod ng Incubus frontman na si Brandon Boyd. Noong Agosto, pumunta sa Amerika si Heart para sa art collaboration nila ni Brandon sa Moonlight Arts Collective, isang virtual art gallery na itinatag ng sikat na American band vocalist. Base sa website ng Moonlight Arts Collective, nakatakda itong ilunsad soon. Bukod kay Heart, tampok din sa art exhibit ang mga gawa ng iba pang artists na sina Mark Mothersbough, Melissa Villaseñor, Alia Shawkat, at Brian Bowen Smith.

advertisement
10 of 12

Jennylyn Mercado's pregnancy

Marami ang nag-alala sa Ultimate Star na si Jennylyn Mercado nang sunduin ito ng ambulansya dahil sa isang medical emergency habang nasa taping ng Kapuso series na 'Love. Die. Repeat,' na pagtatambalan nila ni Xian Liam. Matapos lamang ang ilang linggo, isang magandang balita ang bumungad sa fans ni Jen at ng boyfriend niyang si Dennis Trillo dahil ang medical emergency ng aktres ay indikasyon pala na ng pagbubuntis niya sa unang anak nila ng aktor. In good health naman si Jen pero minabuti muna niyang ihinto ang taping para sa upcoming project nila ni Xian para pagtuunan ang kanyang pagbubuntis. Hindi na rin pinatagal ni Dennis na lumaki ang tiyan ng kanyang nobya at inalok din itong magpakasal. Noong Nobyembre naganap ang pag-iisang dibdib ng longtime couple sa isang civil ceremony.

11 of 12

Kuya Kim's transfer to GMA

Matapos ang kontrobersyal na paglipat nina Bea at Mr. M sa GMA, sumunod sa Kapuso network ang TV host at weatherman ng ABS-CBN for 17 years na si Kim Atienza o Kuya Kim. Malugod namang winelcome si Kuya Kim ng kanyang kaibigan sa GMA na si Dingdong Dantes, na kapwa niya triathlon finisher. Sa ngayon, napapanood si Kuya Kim sa daily talk show na 'Mars Pa More,' GTV magazine show na 'Dapat Alam Mo!,' at sa special segment ng '24 Oras' na "Kuya Kim, ano na?"

12 of 12

Marian Rivera as Miss Universe 2021 judge

Agaw-eksena ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kakatapos lang na Miss Universe 2021 sa Israel. Bukod sa pambato ng bansa na si Beatrice Gomez sa Miss U, talagang inabangan din ang journey ng FIlipino-Spanish actress bilang judge sa prestihiyosong beauty pageant. Ilan lang sa highlights ng Miss U stint ni Marian ang pagsayaw niya ng iconic dance single niyang "Sabay-sabay Tayo" kasama ang fellow judge niyang si Urvashi Rautela, isang Indian actress at beauty titlist. Sinulit na rin ni Marian at kanyang mister na si Dingdong, na kasama niya sa Israel, ang pagkakataon na makagawa ng documentary tungkol kay PH rep na si Beatrice.

advertisement