Showbiz News

WATCH: Marian Rivera at Boobay, naiyak nang alalahanin ang pagka-stroke ng komedyante

By CHERRY SUN

Naiyak sina Marian Rivera at Boobay nang balikan nila ang panahong na-stroke ang komedyante sa kanilang panayam sa Sarap Diva.

Lubos ang paghanga at pasasalamat ni Boobay kay Marian dahil sa malaking tulong na iniabot nito sa kanya noong siya’y nagpapagaling mula sa stroke.

READ: Boobay, nagpapagaling sa ospital matapos ma-stroke 

Ani Boobay, “In fairness kay Yan talaga, ayaw niya ipaalam. Ayaw niya. Kaya hindi ko makapaniwala talaga sa kanya, ewan ko, na tao ba talaga siya o anghel. Ganun.”

Patuloy din niya sa kanyang pagluha, “Nahihiya din ako sa kanya kasi nung dumalaw daw siya sa hospital, ni hindi ko daw siya kilala. So ano ba ‘yun.”

Dahil taos-puso ang ginawang pagtulong ni Marian, hindi raw siya naghihintay ng papuri.

“Sabi ko nga sa kanya pag may nagtatanong, ‘Hayaan mo na lang… Kasi ginawa ko ‘yun kasi mahal ko siya,” wika niya.

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, isa raw ang komedyante sa mga taong pinahahalagan niya talaga.

“Eh kasi naku, Diyos ko, nung nalaman ko talaga, sabi ko, ‘Naku, ayaw ko. Isa siya sa pinaka inaalagaan ko talagang tao sa buhay ko. So sabi ko  talaga, ‘Naku, hindi pwede.’ Kailangan gawin ko lahat para sa kanya,” sambit ni Marian.

 

MORE ON MARIAN RIVERA AND BOOBAY:

READ: "Siya 'yung angel ko, siya 'yung savior ko" - Boobay on Marian Rivera

Boobay after his stroke: "Laki din pasalamat ko at pinagbigyan pa ako ni Lord"

IN PHOTOS: Ang muling pagbangon ni Boobay

Photos by: @boobay7(IG)