Showbiz News

Paano hinaharap ni Cherie Gil ang mga taong intimidated sa kanya?

By Jansen Ramos

Kilala si Cherie Gil bilang isa sa mga magagaling na aktres sa industriya. Dahil na rin sa kanyang mga kontrabida roles, marami ang na-i-intimidate sa kanya.

Matatandaang inamin ng kanyang Sirkus co-stars na sina Mikee Quintos at Mikoy Morales na natakot sila nang makaeksena nila ang aktres.

Mikee Quintos and Mikoy Morales consider working with Cherie Gil a milestone

 

 

Sa ginanap na press conference ng Sirkus noong nakaarang linggo, nagbigay ng reaksyon si Cherie sa naging impresyon ng dalawa sa kanya.

 

Sagot niya, “We should not be intimidated by anybdody. None of us should.”

Ipinaabot din niya ang kanyang mensahe para sa mga taong pinanghihinaan ng loob.

“We should always take claim to our self-worth and [to] what we’re here for, and value [what is] given to you. [Anyone] has the right to be heard and has the right to step forward and [earn] respect. No one should be intimidated. I think we should start thinking like that kasi lagi tayong pinapalaki sa modesty," paliwanag niya.

Wala naman daw masama sa pagiging mapagpakumbaba, pero kailangan din natin maging mas matapang at dagdagan pa ang tiwala sa sarili.

Tags:
cherie gil