Showbiz News

Tambalang BiDawn, nagpamalas ng kanilang on-screen chemistry sa online teaser ng 'Family History'

By Aedrianne Acar

Mas naging kaabang-abang ang bagong movie ng Kapuso comedy genius na si Michael V matapos ilabas kahapon, March 18 ang unang online teaser ng 'Family History.'

Tambalang BiDawn


Ang naturang pelikula ay joint project ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment na pagmamay-ari nina Michael V. at ng kaniyang asawa na si Carol Bunagan.

Patok sa mga Kapuso ang 'awkward' one-on-one interview ng Kapuso comedy genius sa kaniyang leading lady sa 'Family History' na si Ms. Dawn Zulueta.

Marami ding netizens ang napabilib sa comedic timing ni Ms. Dawn.

Bumuhos naman ang papuri kay Michael V, dahil itinaas ng multi-awarded Kapuso star ang 'kalidad' ng comedy sa Pilipinas.

For more updates and exclusive content about 'Family History' log on to www.gmanetwork.com!

'Lady Boss: Carol Bunagan ventures into movie production

WATCH: Dawn Zulueta, big fan ni Bitoy

Michael V. at Dawn Zulueta, first time magsasama para sa isang pelikula